Nagbanta ang Iran na isasara ang mahahalagang lagusan sa Red Sea, Sea of Oman, at Persian Gulf kung magpapatuloy ang umano’y panghaharang ng United States sa mga barko sa Strait of Hormuz.
Iginiit ng Iran na paglabag ito sa umiiral na ceasefire.
Batay sa ulat ng US Central Command, isang Iranian cargo vessel ang napigilan matapos magtangkang maglayag sa nasabing ruta.






















