Pinabulaanan ng Iran ang naging pahayag ni U.S. Vice President JD Vance na pumayag umano ang Tehran na muling makapasok ang mga inspector ng United Nations sa mga nuclear facility nito.
Giit ng pamahalaan ng Iran, wala itong bagong commitment kaugnay ng pag-iinspeksiyon sa mga pasilidad na binomba ng Estados Unidos at Israel noong nakaraang taon.






















