Iniutos ng Malacañang ang agarang pagpapatupad ng 2024 National Disaster Response Plan sa gitna ng sunod-sunod na pagdaan ng mga bagyo sa bansa.
Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 100, inatasan na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC sa pamamagitan ng Office of Civil Defense na pangunahan ang implementasyon ng 2024 NDRP.