Itinanggi ng ilang mga kongresista na pinag-usapan ang isyu ng impeachment ni Vice President Sara Duterte sa budget process.
Gayunman, binigyang-diin ng dalawang House Deputy Minority Leaders na sina ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio at Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila De Lima na hindi pa lusot sa pananagutan ang Bise Presidente at dapat magpaliwanag sa isyu ng umano’y maling paggamit ng milyong pisong halaga ng confidential funds nito.






















