Nabinbin ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte matapos ihayag ng House prosecution team na may sakit ang counsel na nakatakdang magpresenta sa testigo mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Tumutol naman ang defense counsel ni VP Duterte sa panukala ng prosekusyon na maipresenta muna ang isa pa nilang financial analyst bago ang BIR witness.





















