Isa sa malaking problema ngayon ang pagbaba ng kumpiyansa ng mga mamumuhunan lalo na't nahaharap sa impeachment complaints ang dalawang pinakamataas na opisyal ng pamahalaan ayon kay Employers Confederation of the Philippines (ECOP) President Sergio Ortiz-Luis Jr.
Ayon sa ECOP, hindi pa sapat ang ginagawang hakbang ng pamahalaan para mapaangat ang ekonomiya ng bansa, isa aniya sa makakatulong dito ay ang pagpapanagot sa mga sangkot sa anomalya sa flood control projects para maibalik ang kumpiyansa ng mga investor.






















