Iginiit ng grupong PUSO ng NAIA na binubuo ng grupo ng Samahan ng Manggagawa sa Paliparan, Bukluran ng Manggagawang Pilipino, at ilan pang non-government organization na mayroong iregularidad sa pagsasapribado ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Umaapela ang grupo na isama rin sana ng Independent Commission for Infrastructure o ICI ang umano'y mga nakikitang palatandaan ng iregularidad sa naging deal na modernisasyon ng NAIA sa San Miguel-led operator na New Naia Infrastructure Corporation o NNIC.






















