Marami umanong transport network vehicle service drivers ang wala sa listahan ng mabibigyan ng ayuda ngayong araw.
Sa panayam ng programang Hataw Balita Ngayon, sinabi ni Laban TNVS President Jun De Leon na halos hanggang madaling araw kanina ay naghahanap pa sila ng pangalan ng kanilang driver partners sa inilabas na recipients ng Dept. of Social Welfare and Development.






















