Na-stranded sa BFCT terminal sa Marikina City ang ilang pasahero na byaheng Visayas dahil sa pagkaantala ng pagdating ng mga bus sa terminal.
Nagkaroon ng aberya sa barko na sinakyan ng mga bus pabalik sa Metro Manila kaya ang mga bus na sasakyan ng mga magbabakasyon sa BFCT terminal ay naantala din.






















