Tila sanay na sa ingay ng pagdiriwang ang ilang mga alagang hayop ng mga fur parents na nagdala ng kanilang mga fur babies sa year-end celebration sa Rizal Park o Luneta, sa pagsalubong sa pagpasok ng bagong taon.
Ito ay sa kabila ng katotohanang ang mga alagang hayop ay karaniwang nakakaranas ng stress at pagkabalisa dahil sa malalakas na ingay ng paputok.






















