Abot-baywang ang tubig-baha sa ilang kalsada sa Brgy. Maoyon, Puerto Princesa City, kaya hirap ang mga sasakyan na makatawid patungong Northern Palawan.
Samantala, nagpupulong na ang local government unit kasama ang DSWD at PDRRMO para sa agarang paghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.























