Nagsimula na ang unang sesyon ng confirmation of charges laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.
Ilan sa kaanak ng mga biktima ng extrajudicial killings ang sama-samang nakatutok sa pre-trial proceedings kaugnay ng kaso ng dating pangulo.
Samantala, may ilang kongresista ang nagsusulong na hikayatin ang Pilipinas na muling sumapi sa ICC.






















