Tiniyak ni National Police Commission Vice Chairperson Atty. Rafael Calinisan na magpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso ng mga nawawalang sabungero anuman ang ranggo ng sangkot.
Sabi ni Calinisan, nasa phase 1 pa lamang sila ng proseso, at sa phase 2 ay ilang heneral na ang isasailalim sa imbestigasyon.