Wala pang plano ang Independent Commission for Infrastructure na ipatawag bilang resource person si Sen. Christopher ‘Bong’ Go.
Ito ang nilinaw ng ICI kasunod ng social media post ni dating Senador Antonio Trillanes IV na inimbitahan na ng komisyon ang senador ngunit tumanggi umano itong pumunta kung hindi kasama sina Sen. Imee Marcos at Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa.






















