Nanawagan ang Independent Commission for Infrastructure sa mga whistleblower na tumulong sa pagkakalap ng ebidensya laban sa mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Retired Justice Andres Reyes, mahalaga ang testimonya ng mga may alam sa isyu upang maipakita ang ugnayan ng mga opisyal at mambabatas na posibleng kasangkot sa katiwalian.






















