Tiniyak ng Malakanyang na tuloy ang trabaho ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa gitna ng usap-usapan na bubuwagin na ang komisyon.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, wala pang anumang kautusan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ukol sa magiging kapalaran ng ICI.






















