Hindi pa tapos ang trabaho ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Ayon sa komisyon, magpapatuloy sila sa kanilang imbestigasyon hanggang sa walang opisyal na utos mula sa Malacañang na itigil ang kanilang gawain, sa kabila ng mga pahayag na malapit na itong buwagin.






















