Hinamon ng mga kongresista ang Independent Commission for Infrastructure na isapubliko na rin ang minutes ng mga naunang pagdinig nito kaugnay ng maanomalyang flood control projects.
Ayon kay House Deputy Minority Leader at Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña, dapat may full transparency ang komisyon at hindi pwedeng selective o pipiliin lamang ang ilalabas nito.






















