Minamadali ng Independent Commission for Infrastructure o ICI ang pagbuo ng rules of procedure para sa livestreaming ng kanilang mga pagdinig.
Ayon kay Executive Director Atty. Brian Keith Hosaka, target ng komisyon na masimulan ang pagsasapubliko ng hearings sa ikalawang linggo ng Nobyembre, ngunit hindi pa tiyak ang eksaktong setup.






















