Ilalabas na mamaya ng International Criminal Court ang desisyon sa isyu ng hurisdiksyon nito sa Pilipinas kaugnay ng kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Nakasalalay sa pasya ng Appeals Chamber kung tuluyan nang matatapos ang kaso o magpapatuloy ito sa mas mahabang proseso ng paglilitis.






















