Nagbitiw na rin ang isa pa sa natitirang dalawang commissioner ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Bunsod nito, lalong tumitindi ang panawagan na madaliin na ang pagpasa sa Independent Commission Against Infrastructure Corruption o ICAIC bill.
Tiniyak naman ni ICI Chairperson Jose Andres Reyes na tatapusin nila ang imbestigasyon sa flood control project anomalies.






















