Nagbabala si Ombudsman Crispin Remulla sa House Secretary General ng Kamara kaugnay ng hindi paglalabas ng statements of assets, liabilities and net worth (SALN) ng mga kongresistang iniimbestigahan.
Ayon sa Ombudsman, maaari niyang suspendihin ang Secretary General kung hindi ito makikipagtulungan sa kanilang imbestigasyon.






















