Umaasa ang House prosecution team na maghahain si Vice President Sara Duterte ng tuwiran at naaayong sagot sa mga alegasyon ng maling paggamit ng confidential funds, hindi maipaliwanag na yaman, panunuhol at umano’y pagbabanta.
Ito ang sinabi ni Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro, na nagsisilbing lead public prosecutor sa impeachment case.
Samantala, nakahanda na rin ang prosecution panel na isumite sa Senate impeachment court ang kanilang reply sa loob ng linggong ito.















.jpg)






