Posibleng tapusin na ng House Justice Committee ang pagdinig sa mga reklamong impeachment laban kay Vice president Sara Duterte.
Nakatakdang humarap bilang resource person ang National Bureau of Investigation kaugnay ng resulta ng isinagawa nitong imbestigasyon sa umano’y matinding pagbabanta ng bise presidente laban sa matataas na opisyal ng pamahalaan.






















