Muling tinanggihan ng Pasig Regional Trial Court Branch 159 ang hiling na hospital arrest ng religious leader na si Apollo Quiboloy.
Sa kautusang inilabas ng korte noong October 8, nakasaad na walang compelling reason o matibay na dahilan para isailalim si Quiboloy sa hospital arrest sa Philippine Heart Center o sa Medical City.






















