Higit 200 overseas Filipino workers o OFW na mga biktima ng scam hubs sa Myanmar ang nanghihingi ng tulong sa gobyerno ayon sa Department of Foreign Affairs o DFA.
Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na mayroon silang natanggap na 222 active requests for repatriation, 66 sa mga ito ang tumawid sa Thailand habang may 9 pa ang nagtungo sa Yangon pero nasa kustodiya na ngayon ng embahada.






















