Umabot na sa mahigit ₱69.4 milyon ang kabuuang humanitarian aid na naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhan ng Bagyong Tino.
Mahigit 123,000 family food packs na rin ang naipadala sa mga apektadong lugar sa Visayas at Mindanao, habang patuloy namang namamahagi ng mga ready-to-eat food at mainit na pagkain ang mga field offices ng DSWD sa mga evacuation center at mga pantalan.























