Iniulat ng Philippine Ports Authority o PPA na as of 6 p.m. kagabi, nasa halos 1,300 na mga pasahero ang stranded sa mga pantalan bunsod ng epekto ng Super Typhoon Uwan.
Pinakamaraming stranded sa Batangas Port, Bicol, at sa Misamis Occidental o Ozamis.























