Kinumpirma ng Philippine Air Force na bumagsak ang isa nilang Super Huey helicopter bago magtanghali kanina malapit sa bisinidad ng 60th Infantry Battalion sa Agusan del Sur.
Kasama ang naturang helicopter sa 4 na air assets na lumipad mula Davao patungong Butuan upang magsagawa ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) mission bilang tulong sa mga nasalanta ng bagyong Tino.























