Inahayag ni dating DPWH Bulacan 1st District Assistant Engineer Brice Hernandez sa Senado ang sistema ng kanilang hatian sa kita sa ghost flood control projects.
Aniya, pinaka malaki ang kickback ng kanilang boss na si Engineer Henry Alcantara.
Ngunit si Alcantara, todo tanggi na alam niya ang sinasabing modus operandi ng kanyang mga tauhan.