Nagsagawa ng isang espesyal na guided tour na may kasamang New Zealand Sign Language interpreters ang Wellington Zoo sa New Zealand.
Layon nitong maging accessible at inklusibo ang karanasan sa zoo ng mga bisitang may kapansanan sa pandinig, kabilang na rin ang kanilang mga pamilya.












