Iniutos na ng pamunuan ng Philippine National Police sa lahat ng police units sa bansa na magbigay ng emergency go bags sa kani-kanilang tauhan.
Ito’y para matiyak na handa sila sa pagresponde sa emergency, sa gitna ng sunod-sunod na lindol, pag-aalboroto ng bulkan at iba pang kalamidad.