Posibleng mabunyag sa gagawing pagtestigo ni dating PCSO General Manager Royina Garma sa International Criminal Court (ICC) ang umano’y sistema ng pagpopondo sa drug war ng administrasyong Duterte.
Nauna nang sinabi ni dating Senator Antonio Trillanes IV na inaasahang magbibigay ng testimonya si Garma sa ICC laban sa dating pangulo.






















