Natapos na ni dating US President Joe Biden ang isang round ng radiation therapy para sa kaniyang aggressive prostate cancer na kumalat na hanggang sa kaniyang buto.
Sa Instagram, ibinahagi ng anak niyang si Ashley Biden nang patunugin nito ang kampana na simbolo ng tagumpay at pag-asa ng mga pasyenteng sumasailalim sa cancer treatment.






















