Kinumpirma ng China na nag-usap sa pamamagitan ng telepono sina Chinese Foreign Minister Wang Yi at Iranian Foreign Minister Seyed Abbas Araghchi.
Sa X post ni Chinese Ministry of Foreign Affairs spokesperson Lin Jian, sinabi nito na sa naturang pag-uusap, nanawagan si Wang Yi sa lahat ng panig na samantalahin ang bawat pagkakataon at agad na simulan ang peace talks.






















