Hiniling na ng pamahalaan ng Pilipinas sa China na alisin ang mga istruktura at kagamitang inilagay nito sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc halos dalawang linggo na ang nakalilipas.
Nanindigan naman ang China na may karapatan itong maglagay ng naturang mga kagamitan sa inaangkin nitong maritime feature.






















