Isang panibagong achievement ang nakamit ng Filipino tennis star na si Alex Eala matapos siyang mapasama sa Forbes Asia “30 Under 30” list.
Binigyang-pagkilala si Eala dahil sa kanyang ipinakitang husay at tagumpay sa larangan ng tennis at sa international sports competition.






















