Unti-unti nang nakakarekober si Chantal Anicoche, ang U.S. citizen na nasagip ng mga sundalo sa encounter site sa Barangay Cabacao, Abra de Ilog, Occidental Mindoro noong January 8.
Sa gitna ng paggiit ng mga militanteng grupo na palayain siya, sinabi ng Philippine Army na boluntaryo itong lumagda sa kasulatan upang manatili bilang pasyente sa military hospital sa loob ng kampo sa Tanay, Rizal.





















