Hindi lang ang mga mambabatas kundi maging ang executive branch officials ay proponents din ng flood control at iba pang proyektong imprastraktura ng pamahalaan.
Yan ang inihayag ni Batangas First District Rep. Leandro Legarda Leviste, batay sa files na naglalaman ng mga listahan ng mga proponent ng insertions ng Department of Public Works and Highways o DPWH, na ibinigay umano sa kaniya ni dating Undersecretary Catalina Cabral.






















