Nagpulong kahapon, March 16, ang mga opisyal ng European Union sa Brussels upang talakayin ang posibleng pagpapalawak ng naval mission na tinatawag na Operation Aspides tungo sa Strait of Hormuz.
Ginawa ito ng EU matapos tumaas ang tensyon sa Gitnang Silangan at sumipa ang presyo ng krudo dahil sa digmaan laban sa Iran.






















