Binigyang-diin ng isang senador na hindi dapat gawing permanente ang full online classes sa mga unibersidad at kolehiyo.
Bagama't pinayagan ito ng Commission on Higher Education dahil sa krisis sa langis bunsod ng tensyon sa Middle East, dapat umanong pansamantala lamang ito at hindi dapat kasanayan ang sistema.






















