Inimbitahan ng Independent Commission for Infrastructure o ICI si Department of Trade and Industry Sec. Ma. Cristina Roque na dumalo sa pagdinig ng komisyon bukas, October 22, kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon sa flood control projects anomaly.
Bukod dito, nakipagpulong na rin ang ICI sa Philippine National Police ngayong araw para naman sa field validation sa mga nasabing kwestyonableng proyekto.






















