Binibigyan lamang ng hanggang ngayong araw ng Land Transportation Office ang driver at ang isang opisyal ng Department of Transportation na sangkot sa nag-viral na road incident kamakailan.
Kasabay nito ay iniutos rin ng LTO na isuko ng may-ari ang sasakyang nakunan na gumamit ng protocol plate number 10.