Naniniwala ang mga residente ng Marikina City na malaki ang naging tulong ng isinasagawang dredging sa Marikina River upang maiwasan ang pagbaha.
Ayon kay Marikina City Mayor Maan Teodoro, sa kanilang monitoring ay walang naitalang binaha o pagbaha sa lungsod sa pagdaan ng Super Typhoon Uwan.























