Bubuksan ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang ilang position upang tumanggap ng mga bagong empleyado pagsapit ng Enero ng susunod na taon.
Ayon kay DPWH Sec. Vince Dizon, magkakaroon sila ng massive recruitment sa iba’t ibang unibersidad sa bansa kung saan target ng ahensya na makakuha ng mga bagong engineer at accountant.






















