Ipinag-utos ni Transportation Secretary Giovanni Lopez sa Land Transportation Office (LTO) ang agarang pagsususpinde sa pagkumpiska ng driver’s license ng mga motoristang nahuhuli sa traffic violations.
Ayon sa DOTr, bahagi ito ng hakbang para ayusin ang mga proseso sa panghuhuli at paghawak ng lisensya ng mga lumalabag sa batas-trapiko.






















