Isang malaking karangalan ang nakamit ng mga mag-aaral ng La Verdad Christian College sa Apalit, Pampanga matapos silang magwagi sa isang film festival na nagtampok ng mga makabuluhang kuwento para sa animal advocacy.
Kinilala ang mga 4th year BA Broadcasting students ng LVCC Apalit sa Unleash PH Pawscars Awards, isang pagtitipon na nagbibigay-parangal sa mga natatanging pelikula at dokumentaryong tumatalakay sa kapakanan ng mga hayop at mga isyung panlipunan.






















