Nagtungo kanina sa Department of Justice ang mag-asawang Discaya para talakayin ang kanilang hiling na mapasailalim sa witness protection program.
Ngunit ayaw nang magbigay ng detalye ni Justice Secretary Crispin Remulla sa mga napag-usapan nila.
Samantala, may 2 hanggang 3 namang indibidwal na nagpi-prisinta na maging state witness.