Namahagi kahapon, April 16, ang Department of Health ng libreng bigas at mga gulay para sa nasa 300 jeepney at tricycle drivers, gayundin sa ilang barangay health workers. Ang mga ito ay direktang binili ng DOH bilang suporta sa mga magsasaka sa Nueva Vizcaya.






















