Makikipagtulungan sa Department of Health ang Independent Commission on Infrastructure sa gagawin nitong imbestigasyon kaugnay ng posibleng irregularidad sa konstruksyon ng mga Super Health Center sa bansa.
Kasunod ito ng natuklasan ng ahensya na may mga Super Health Center sa bansa na hindi pa rin nag-o-operate kahit pa naiulat na ang mga ito ay tapos na.